Quantcast
Channel: Ask the Dentist Philippines
Viewing all 220 articles
Browse latest View live

Cheap Mini Dental Implants

$
0
0

Froilan : sir gud eve po.. ask ko lng po anu po ang maganda para sakin.. kasi po may 9 missing teeth na ako nag pa postiso na po.. iniisip ko po yung mini dental po.. ayaw ko po kasi ng nauuga.. mag kanu po aabutin nun? sa tancha nyu po slamat..

Ask the Dentist : Removable denture. Hindi indicated yung mini sayo.

Lower Removable Partial Denture Linguoplate
Linguoplate is a type of major connector for Removable Partial Denture. Major connector is the component of partial denture that connects the parts of the denture located on one side of the arch wi…

Froilan : Pnu po doc kung blak ko mag apply s pulis. Kc pwde n daw denture. Anu mas maganda po?

Ask the Dentist : Hindi ko masabi, hindi ko makita ang bibg mo.

Froilan : ok po doc salamat po..

Ask the Dentist : Oks.


Malabong Litrato ng Ngipin

$
0
0
Malabong Litrato ng Ngipin - askthedentistphilippines.com

Malabong Litrato ng Ngipin – askthedentistphilippines.com

Shan : Doc?? anu po ba pwede gawin dito sa ngipin ko?? 15 years old palang po ako

Ask the Dentist : Padalhan mo muna ako ng malinaw na picture. Base sa picture na yan, malala yang mga ngipin mo.

Ok lang ba Magpabunot ng Pangil

$
0
0

Glenn : Doc, ok lang ba ipabunot ang upper canine tooth? Palalagyan ko ng plastic denture. Maganda ba ang plastic at gaano ito katibay kumpara sa porcelain? Delikado ba ang canine mabunot? Tnx

Ask the Dentist : Hindi ok pag may nabubunot. ANg kagandahan ay nakadepende sa galing ng dentist mo at base sa iyong paningin. Ang tibay ay hindi ko kayang iquantify.

Glenn : Bakit po hindi?

Ask the Dentist : Hehehe! Nasagot ko na yan ah.

Glenn : Masakit ba ang procedure ng dental jacket? Mararate nio po ba ang quality the dental jacket as compared to other restoration procedures? How long it takes bago masira ang jacket? Kano po ang price per jacket? Thanks po.

Ask the Dentist : Depende sa galing ng dentist ang tanong mo. 5 thousand pataas per jacket crown. YUn yung pinakabasic, porcelain fused to metal crown:

Metal Ceramic Dental Crown
Metal Ceramic Dental Crown is a restoration that reprod…

Nagdudugo ang Binunutan ng Ngipin ni Lenny

$
0
0

Lenny : Good day po ask lang ako 2 hrs ago nagpabunot po ako ng ipin #17 normal lang po na til now grabe pa din ang dugo and meron po syang parang mga laman na lumabas sa pinagbunutan nakalaylay po kc and don po lumalabas yong dugo..thanks po

Ask the Dentist : Bumili ka ng bulak. Kagatin mo ang bulak. Hayaan mo ang bulak na kagat kagat mo hanggang tumigil sa pagdugo. Inumin mo ang iniresetang gamot.

Lenny : maraming salamat po…uminom na po ako ng gamot kaya lang po ngayon ay namaga na po yong parang laman na nahila mula sa pagbunot sing laki po ng candy kaya now para akong may candy sa bibig..kelangan ko po kaya ipacheck up to sa dentist na nagbunot ng ipin ko?

Ask the Dentist : Normal lang.

Jacket Crown sa Ngiping ina-RCT

$
0
0

Restygen : Hi Doc, Good Afternoon po..
Pagkatapos po ba ng RCT, pwede na kaagad ilagay ang Dental Crown? o Kelangan pa po mag antay ng ilang araw pa? Thanks

Ask the Dentist : Depende kung kailangan pa ng poste, o dahil sa dati nitong condition ay kailangan pa ng observation. Pero ang tiyak, kailangan malagyan agad ng crown na hindi lilipas ang isang buwan.

Fixed Bridge Cost

$
0
0

Yuwan : ask ko lng po how much ang pa fix bridge?tnx

Ask the Dentist : Depende sa kung anong klase at ilan angg bungi:

Porcelain Fused to Metal Bridges
The porcelain in porcelain fused to metal bridges shoul…

Crown sa RCT

$
0
0

Asha : hi doc may balak po akog ipa RCT ung 1 kong upper anterior teeth pagkatpos po pa ng procedure pwde npo b agad lagyan ng crown un? thank you po

Ask the Dentist : Depende sa mag-a-RCT sayo. Kung meron pang dapat gawin, after 1 week pa. Pero dapat malagyan ng crown within a month after RCT.

Jacket o retreatment

$
0
0

Abby : hello po, yung RCT ko po na isa teeth sa front mejo may discoloration na po, mejo maitim n sya. Ano po dapat ko gawin? kaya pa po ba ito ng jacket? thanks po

Ask the Dentist : Ipa-x-ray mo tapos kapag okay pa ang seal, ipajacket mo. Isend mo sa akin kung gusto mo.

Abby : Thank po


Hanggang Ilang Taon pwede Magbraces

$
0
0

Joyce-ann : hanggang ilan taon po ba pwede magpa-brace ?

Ask the Dentist : Hanggang kayang magbayad.

PFM Bridge

$
0
0

Bestmer : hello po. Ask ko lng po how much po ang prize ng fixed bridge porcelain? Missing na po ang upper front teeth ko tapos po ntitira nlng po 2 canine at ung sunod po dun. Tapos po missing na din po 2 molar ko also in upper part. Kung i fixed nga po bu0ng part ko bka po 10 lahat xa kung pdeng pgkapitan po ung canine ko at ung katabi nito. Slamat po.

Bestmer : mag send po ako ng photo.thanks po.

Fixed bridge patient

Fixed bridge patient

Ask the Dentist : Ang una mong gawin ay magpa-xray ng panoramic. Hindi natin malaman kung ano ang kakapitan ng bridge kung wala kang panoramic x ray.

Bestmer : ah ok po doc. Salamat po. Eh ung prize range po ng bridge magkano po?

Ask the Dentist :
1st prize isang kaban ng bigas.
2nd prize isang kilo ng bulak.
3rd prize isang supot ng Boy Bawang.

Bestmer : price po pala nd fixed bridge.thanks.

Ask the Dentist : Depende sa kung ilang bungi at klase ng bridge. Ito ang top of the line:

All Ceramic Bridge with CAD CAM Milled Zirconia Framework
In milled-porcelain core bridge, computer controlled technology is used to mill the framework instead of using the casting or the lost wax technique. Block of porcelain (zirconia) is cut by compute…

Bestmer : ung nsa picture nga po ung bungi. 4 front upper teeth tapos po 4 upper molar po.

Ask the Dentist : Saan ang panoramic mo? Kung pagbabasehan yang picture mo lang, madami pang mabubungi diyan.

Bestmer : ah. Ganun po b. Wla pa pong xray.bka sa sat and sun pa po. Magkano kaya magagastos ko if picture ko pgbasehan? Nasa 50k po b?

Ask the Dentist : Possible.
Magpalinis ka ng ngipin. Yang premolar mo mukhang malala ang sira. Mukhang hindi pwede ibridge yang upper right mo. Pero tignan natin sa xary kung pwede.

Bestmer : ok po doc. Marami pong salamat. Tom po consult aq s dentist namin at irely ko po ung mga sinabi nya. Salamat po Godbless.

Sabi ng Kaibigan ko Magpabraces ang Kaibigan mo

$
0
0

Mae Ann : Good day po. May itatanong lang po ako. Delikado po ba yung ganitong posisyon ng ngipin. Tapos kita nyo po mejo lumalaki po yung gums dun sa place na dapat na tinayuan nung ngipin sa likod ng gums. Sana po makasagot kayo agad. Kinakabahan po kase yung kaibigan ko.
Pasensya na po kau sa ngipin ng frend ko. Di po sya makapagpabrace e.

Sungki ang kaibigan mo - askthedentistphilippines.com

Sungki ang kaibigan mo – askthedentistphilippines.com

Mae Ann : Tas
Tas kita nyo po doc mejo nagdudugo dugo yung teeth nya

Ask the Dentist : Sabi ng kaibigan ko magpalinis ang kaibigan mo ng ngipin. Andumi dumi kasi. Sabi din ng kaibigan ko, since ganyan ang posisyon ng mga ngipin niya, walang choice ang kaibigan mo kundi magpalinis ng ngipin sa dentist every 6 month o mas madalas pa, dahil habang ganyan ang posisyon niyan, magiging kapitin ng dumi ang ngipin niya. Kapag hindi magpapalinis ng ngipin ang kaibigan mo eh mamamaga ang gilagid niya, magreresorb ang buto at unti unting malalagas ang mga ngipin niya.

Ask the Dentist : Kailangan niyang magpabraces upang maging masaya ang buhay niya at wag magdusa sa function at sa itsura.

Mae Ann : Pero delikado rin sya doc?
Maraming salamat po sa sagot. Godbless

Ask the Dentist : Oo.

Naputol na Ngipin

$
0
0

Arnold : Doc ako po yung ask re naputol na kapiraso ng bagang tom. Ang balik ko matanggal nya laya yun eh medyo naghilom na yuung sugat sa gums ko di ko naman matanaw yung naputol pero sabi nya nga ibalik ko daw tom tue 1 week na sya advice me please thankyou more power

Ask the Dentist : Hindi ko naintindihan. Pakiulit. Magtagalog ka.

Arnold : doc kanina nagpabunot ako ng bagang medyo d sya tinablan ng anesthesia kasi may nana daw ilang beses din sya nagturok ng anesthesia sabi bglain nya daw medyo tiisin ko daw sakit nabunot nya naman kaso yung kabilang dulo ng ngipin naputol try nya kunin kaso d ko na kaya yung sakit sabi nya mag antibiotic muna ko after 1 week ibalik ko daw para makuha yung naputol na part para tablan na daw ng anesthesia ok lang po ba yun kasi im worried thanks

Ask the Dentist : Ok. Bumalik ka next week.

Company Dentist

$
0
0

Fraele : hi dr,may pinsan po ako rep from Pros-Apac,plan ko po mag-avail sa kanya ng ceramic brackets dahil ma-avail daw nya as employees price,then ang magkakabit po yung in-house company orthodentist nila.ano po opinion nyo dun?the orthodontist will charge me 50k including his pf and the RMO ceramic Signature III.di ko lng kc sure kung magaling yung orthodontist na nirefer nya sakin.thanks in advance!

Ask the Dentist : HIndi ko masabai dahil hindi ko kilala ang dentist ng PROS APAC.

Fraele : ok thanks!

Magkano Magpabraces

$
0
0

Jessica : Hi good morning po…saan po ang locatipn ng clinic ninyo.salamat

Jessica : Hi again po..plz let me know po kung mag kano mag pa braces para po mapaghandaan ko ang presyo.
Ang case po ng ipin ko ay 2nd and 3rd molar wala na po sa baba..the rest po ok na ang ipin ko.here po ako sa bulacan..and panu po ang process nun..

Ask the Dentist : Depende sa lala ng kaso. Ang gawin mo, magpapanoramic x ray muna. Lahat ng nag-o-ortho na matino, required ang panoramic x ray.

Crown and Bridge

$
0
0

Chell : Hello po Doc.. gusto ko po magpa fixed bridge..3 na pong clinics ang pinag tanungan ko.. ang presyo po nila ay 10,000 kada crown.. 2 po yung missing teeth ko sa harapan.. so 4 na crow daw po, that is 40,000 all in all… Is that a reasonble price? May maire-recommend po ba kayong dental clinic sa Marikina? Thank you po..^^

Ask the Dentist : Anong klase ng bridge? Anong material? Ito yung materials:

Types of Porcelain Dental Crowns
Types of ceramic dental crowns that are commonly availa…

Chell : Porcelain fused to metal po… yun ba ang usual na price, 10,000 per crown kung ganung klaseng bridge ang gagamitin?
Doc, yung Pasig Dental Clinic po, private po ba sya or public?

Ask the Dentist : Wala yatang public clinic. Unless sa center yan.

Chell : ah okay po… kung sa inyo nalang po ako magpapa fixed-bridge, okay lang po ba?

Ask the Dentist : Pangasinan ako. Mahihirapan ka.

Chell : kala ko po meron kayong clinic sa manila?

Ask the Dentist : Pwede pero sa specialty school clinic kita gagawan.

Chell : Magkno po rate ninyo sa fixed-bridge per tooth?

Ask the Dentist : Mura lang.

Chell : Magkano po?hehe 2 po yung missing teeth ko sa harapan.

Ask the Dentist : wed, thurs at friday pwede. 9 am – 5 pm. Sa Manila ito.


Dapat may X-Ray Kapag Nag-a-RCT

$
0
0

Lylab : hello doc online po ba kayo ngayon? pwedeng magstory ng case ko at magpakonsulta nadin ? thank you po.

Ask the Dentist : Ikwento mo lang. Hindi ako laging online, pero mababasa ko yang kwento mo pag nagonline ako.

Lylab : haha alam ko naman yun doc. nabasa ko po kasi sa site nyo na askthedentist na kelangan pala dpat may xray before magRCT. e nung pinaRC ko po kasi yung upper front tooth ko last 2008 wlang ginawang xray. tapos bumalik ako last january sa same dentist na gumawa ng RCt kasi nga bumalik nanamn yung sakit.nagsuggest ulit xa na iRCT tapos wlang xray ulit. pabalik balik ako sa clinic for a month or 2 ata kasi may amoy padin so hindi nya matapos tapos. hanggang knailangan kong umuwi sa province namin at hanggang ngayon d parin tapos yung supposedly RCT. bale temp pasta lang po nilagay nya at may crack na ngayon. baka this december na po ulit ako bumalik at hopelfully maayos na. so tanong ko po, pano po kung meron paring amoy at matagalan nanaman ang pagclose? ano po mangyayari? magkano po ba ang xray? sa ngayon po d pa naman sumasakit. pero yun kasi yung inaalala ko baka bigla na naman sumakit meron pa naman akong gingivitis at sabi po ng dentist ko yung general gum bleeding daw.. akala ko kasi pag nag RCT, okay na, d na babalik. please give me some advice doc. salamat po.

Lylab : at ilan po ba canal ng front tooth? hehe thanks

Ask the Dentist : Hehehe! Ang rct, ini-x-ray bawat step. Kaya may 4 or more x rays yan kada RCT. Magpalit ka ng dentist.

Lylab : thanks doc!

Teeth Grinding

$
0
0

Jhoy : Doc ask ko lang kung bakit po ako nag tooth grinding every night..im 25 y.o po at nahi2ya po aq sa pamilya ng asawa ko kc nadidinig dn po pag gbi.. Anu po b gamot o remedyo dito..at how much po b ung mouth guard at xan nakakabili ung mura lang po.sana po msagot neo po ung tanung ko asap thanks po

Jhoy : Yung mouth guard po b na nabibili sa s.m pwd po b un saken?kc nag kakaroon n ng space ung mga ngipin ko which is panget pag na smile ako.

Ask the Dentist : Ang gawin mo ay magpapanoramic xray nang malinaw nang makita ko at para malaman natin kung ano anng dahilan ng grinding mo.

Jhoy : how much po mag pa gnun

Ask the Dentist : Mura lang.

Pwede pa-Braces

$
0
0

Joy : Hi Doc, pwede po ba pa braces ung may isang pustiso s upper teeth? thank u po!

Ask the Dentist : Yes

Joy : Thank you po.. mga magkano po kaya un pag sa upper and lower po? salamat po!!!

Ask the Dentist : 40 K up.

Temporary Bridge

$
0
0

Tintin : hi po! doc just want to ask po about my fixed bridge sa upper teeth po, muka pong need na nya palitan is it possible po na makapag palit ako na di ako mawawalan ng nginip while waiting for the new one..i mean po gamit ko pa din po ung dati hbng naghihintay..bale po 6 ung teeth na nka brdge po including ung kinakapitan and may i know ur clinic po incase..thanks so much po

Ask the Dentist : Possible. Pangasinan.

Pwede ba magbraces ang bungi

$
0
0

Camille : doc ito na po yun photo, si camille, tinanong ko po sa website nyo kung pwde pa po aq mgpabrace sa ganitong kalagayan? sana po makaresponse kayo.maraming salamat po..

Walang Lateral Incisor

Walang Lateral Incisor

Ask the Dentist : Pwede.

Camille : thanks po sa response,doc ano po kyang procedure ang pwede?if ever na mgpabrace nga po aq?medyo malaki po ang spaces eh..

Ask the Dentist : Ang procedure na pwede ay braces.
Pwede ding temporary denture.
Bakit nga pala nagkaganyan, nabunot na?

Camille : Opo. nsira na oo kc.npabayaan.
*po
Bale may suot po aqng false teeth.
May npapanood po aq sa youtube na pwedeng umisod ung ngipin para mwala ang mga spaces
Salamat po ult doc sa response

Ask the Dentist : Ilang taon ka na ba?

Camille : 18 na po eh.
Doc Brace muna po bgo implant?

Camille : Gs2 ko po kc tlaga ba maayos eh. pero punta din po aq ng dentist pag nasabi ko n po s parents ko po. thanks po

Ask the Dentist : Oks.

Camille : salamat po.

Viewing all 220 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>